Nocum at Fuller ng E-Painters umigkas, Fuels 'di nakaporma
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | August 31, 2024

Sinungkit ng Rain or Shine ang pang-apat na sunod na panalo at tinalo ang import less Phoenix, 116-99 at panatilihin ang walang mantsang record sa PBA Season 49 Governors Cup at sa pang-apat na beses muling humarap si coach Yeng Guiao sa mga reporters para sagutin ang mga katanungan ng tungkol sa kanilang magandang nilaro.
Hindi makalayo sa first half, biglang nag-init ang opensiba ng Elasto Painters sa huling 24 minutes at iposte ang pang-apat na sunod na panalo at ipalasap sa wala pang panalong LPG Fuel Masters ang pangatlong sunod na kabiguan na ngayon lang nangyari sa Phoenix.
Naglaro ang Phoenix na walang import dahil ang kapalit ni Jayuveous McKinnis si Le Brian Nash ay sobra sa required height na 6-foot-6. Lamang ang RoS 101-90, apat na minuto ang nakalipas sa fourth period at hindi na binitiwan ang hawak sa renda tungo sa impresibong panalo at palakasin ang title campaign sa Governors Cup na hawak ng Talk ‘N Text.
Apat na players ang gumawa ng double digits sa pangunguna ni Craig Aaron Fuller sa 28 points. Nag-ambag si Adrian Clarence Nocum ng 21 points, at itinanghal na best player of the game. Umiskor si Jhonard Clarito ng 15 points at Andrei Caracut ng 13.
Isa sa mga dahilan ng pagkatalo ng Phoenix ang pagkawala ni ace gunner Jayson Perkins na lumabas sa court matapos makakuha ng anim na foul sa lamang ng RoS, 93-83, apat na minuto sa 4th quarter. “This is only temporary. Kailangan matatag kami to sustain the game. Kailangan matesting namin kung hanggang saan kami tatagal sa aming panalo sa pagharap namin sa San Miguel,” wika ng 65-years old RoS mentor na target ang pang-7 PBA title at pangalawa sa RoS.
Comments