top of page
Search
  • BULGAR

‘No-take policy’ ng PNP Chief, wa’ epek sa mga tongpats collector

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 11, 2023


SA PAMUMUNO NI GEN. ACORDA, BUMABANTOT NA NAMAN ANG PNP -- Sa ilalim ng pamumuno ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda ay bumabantot na naman ang imahe ng PNP organization dahil sa mga kasalbahihang pinaggagawa ng mga kapulisan, tulad nang igapos ang isang senior citizen na mayor sa Misamis Occidental para mapababa sa munisipyo base sa utot ng gobernador, sirain ang pinto at i-ransack ang bahay ng isang lolang retired principal ng walang search warrant sa Cavite, at barilin at mapatay ang isang binatilyong mangingisda dahil lang sa mistaken identity sa isang suspek sa pamamaril sa Navotas City.


Ang mga ginagawang ito ng mga abusadong pulis ay pagpapakita na wala silang takot at respeto kay Gen. Acorda, ang PNP chief na sinabihan nang harap-harapan ni Sen. Ronald Dela Rosa sa Senate hearing na mahinang klaseng chief PNP daw, period!


◘◘◘


UTOS NI GEN. ACORDA NA ‘NO-TAKE POLICY’ DINEDMA NG MGA TONGPATS COLLECTOR NG REGION 4-A AT REGION 1 -- Nang italaga ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) si Gen. Acorda bilang PNP chief, inakala ng publiko na matikas itong police general kasi ang unang direktiba nito ay “no-take policy” na ibig sabihin ay ipa-stop ang lahat ng uri ng illegal gambling.


Ang masaklap, dinedma lang ng mga “tongpats collector” na tulad ni “Tsan Parak” at “Rico Mendoza” ng Region 4-A at nina "Istantino" at "Jun Puti" ng Region 1 ang kautusang ito, kaya hanggang ngayon ay sandamakmak ang mga mangraraket na gambling lords na nag-o-operate sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na sakop ng Southern Tagalog region, at sa Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Abra na sakop naman ng Northern Luzon, boom!


◘◘◘


PD COL. SAMSON BELMONTE, ‘NGANGA’ SA SANDAMAKMAK NA GAMBLING LORDS SA BATANGAS -- Ang Batangas ang may pinakamaraming gambling lords sa bansa, may color games si "Aling Tessie," may drop balls si "Pajun" at sandamakmak ang mga may pa-STL-bookies at lotteng na tulad nina "Virtucio," "Ineo" at "Indo" sa San Jose; "Nelson" at "Salud" sa San Juan; "Caraig" at "Chuidian" sa Nasugbu; "Austria" sa Rosario; "Jojo" at "Alex" at "Lito" sa Sto.Tomas; "Richard" sa Talisay; "JR" sa Balayan; "Peping" sa Calaca; "Morcilla" sa Malvar; "Inandan" at "Ilat" sa San Pascual; "Villanueva" sa Mabini; "Clint" sa Taysan; "Acebo" sa Ibaan; "Randy" sa Mataas na Kahoy; "Togs" at "Eming" sa Alitagtag at Cuenca; "Allan" at "Carling" sa Lipa City; "Biscocho," at "Lito" sa Tanauan City at may pa-jueteng din sa mga barangay ng lungsod na ito sina alyas "Ocampo" (Bgy. Bagbag); "Kancio" at "Dama" (Bgy. Ulango); "Obet" at "Ed" sa Bgy. Ambulong; "Angel" (Bgy. Pantay), "Kanor" (Bgy. Luyos) at "Teryo" (Bgy. Banadero).


Sa rami ng mga gambling lords na ‘yan, nakapagtataka kung bakit “nganga” lang si Batangas PD Col. Samson Belmonte sa mga mangraraket na ‘yan, period!


◘◘◘


KAHIT SINONG MAGING MAYOR AT MPD CHIEF NG MAYNILA, HINDI NATITINAG ANG RAKET NINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’ -- Kahit sino ang maging mayor ng Maynila at maging director ng Manila Police District (MPD) ay hindi natitinag ang raket na bookies at lotteng nina "Boy Abang" at "Lorna" sa lungsod.


Inakala nga ng mga taga-Maynila nang maging babae na ang mayor nila, sa katauhan ni Mayora Honey Lacuna ay mapapa-stop na ang raket nina "Boy Abang" at "Lorna," pero hindi pa rin, kasi hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon ang hepe niyang MPD na si Gen. Andre Dizon para “tokhangin” ang dalawang ilegalistang ito, boom!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page