‘No QR Code, No Entry’ ng Valenzuela sisimulan na sa October 5
- BULGAR

- Sep 16, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 16, 2020
Inagahan ang pagpapatupad ng “No QR Code, No Entry” ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City bilang tugon sa kahilingan ng mga residente ng siyudad. Mula sa dating November 16, epektibo na ito sa October 5, 2020, ayon sa hepe ng Valenzuela City Public Information Office (PIO) na si Lauro Caiña.

Sa bagong direktiba, kinakailangan na lahat ng residente at may-ari ng establisimyento na mag-register sa contact tracing app na Valenzuela Tracing Application (ValTrace) bago ang petsang itinakda upang makapasok sa naturang lungsod.
Inilunsad ang nasabing mobile application mula sa City Ordinance No. 783, bilang kapalit sa contact tracing forms na pinasasagutan sa tuwing papasok ang isang residente sa bawat establisimyento ng siyudad.
Tiwala ang pamahalaang lungsod na ang bagong polisiya ay makatutulong na mabawasan ang virus transmission kumpara sa pagsusulat sa mga printed forms. “This is more secure than manually filling out ang form,” sabi ni Caiña.
Tiniyak din ng local government unit (LGU) ng Valenzuela na mananatiling confidential ang mga personal na detalye at impormasyon ng bawat isang may QR code.








Comments