Niyanig ng 4.5-magnitude na lindol ang Tarragona, Davao Oriental
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 22, 2020

Niyanig ng 4.5-magnitude na lindol sa Tarragona, Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman ang paggalaw ng lupa bandang alas-12:26 ngayong tanghali, August 22 sa Tarragona, Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng pagyanig ay tumama 68 kilometers sa southeast ng Tarragona. Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 28 kilometers.
Gayunman, walang naiulat na nasirang gusali o aftershock matapos ang pagyanig.
Patuloy na pinapayuhan ng Phivolcs, ang publiko na manatiling mapagmatyag at maging maingat sa anumang oras.





Comments