top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Niyanig ng 4.1 magnitude ang Eastern Samar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 29, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Niyanig ng 4.1-magnitude na lindol ang Eastern Samar, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Naramdaman ang paggalaw ng lupa ng bandang 2:34 ngayong umaga sa Maydolong.


Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay tumama sa bahagi ng Eastern Samar na matatagpuan sa 11.37°North, 125.43°East – 017 km South 27° West ng Maydolong. Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 029 kilometers.


Wala namang naiulat na nasirang gusali subalit, ayon sa Phivolcs inaasahan ang mga aftershocks matapos ang pagyanig.


Gayundin, narito ang mga intensities na nairekord ng Phivolcs sa mga lugar: Intensity III - Maydolong, Balangkayan, Llorente, General MacArthur, Salcedo, Balangiga: Intensity II - Lawaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page