Niresbakan ni IC, naging nega, natakot… SEN. MIGZ, BIGLANG-SORI SA PAGDAMAY KAY INDAY BADIDAY SA CIRCUS SA SENADO
- BULGAR

- 11 hours ago
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 27, 2026

Photo:Senate / Circulated
Mas naging matindi ang natanggap na bashing ni Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri matapos siyang maglabas ng kanyang public apology sa mga kapamilya ng yumaong showbiz icon at tinaguriang Queen of Intrigues na si Inday Badiday o Ate Luds sa showbiz.
Sa naging pag-call out nga sa kanya ni IC Mendoza, apo ni Ate Luds at anak ng kumare nating si Dolly Anne Carvajal, tila mabilis na humupa ang galit ng senador sa naging ‘manifestation’ niya sa Senado dahil sa video presentation ni Sen. Imee Marcos na tinawag niyang “what a horrible propaganda”.
Sey tuloy ng netizen, “Naku, naduwag lang ang balimbing na ‘yan. Natakot na baka imbes na makatulong sa kanyang sitwasyon, eh, lalong makasama kaya’t apology agad ang drama n’ya.”
Naging malinaw naman sa paghingi ng apology ng senador na ‘spur of the moment at ‘slip of the tongue’ lang daw ang pagkakabanggit niya sa name na “Inday Badiday” sa Senado.
“Medyo naging negative kasi ang impression at connotation dahil ini-link niya ito sa tinatawag na circus at katatawanan sa Senado. Na para bang walang nagawa at nai-contribute na maganda sa showbiz industry ang name na Inday Badiday,” pag-aanalisa pa ng mga nakarinig at nakasaksi sa manifestation ni Sen. Migz Zubiri.
Tito Sotto, para makumbinseng umanib sa kanila… SEN. IMEE, PAGBABATIIN DAW SINA DIREK DARRYL AT BOSSING VIC
MEANWHILE, dahil daw sa pangyayari ay naging ‘legit’ na ang pagiging Marites at baka kay Sen. Imee Marcos na raw iputong ang korona bilang ‘Queen of Intrigues’ sa gobyerno.
Sa walang humpay daw nitong pagpapalabas ng mga videos, balita sa kanyang podcast at iba pa na very showbiz ang atake, tila mas mabuti pa raw at bagay na maging showbiz reporter ang senadora.
“Imagine, kahit kapamilya n’ya, titirahin n’ya talaga. Iba s’ya,” sey ng netizen na nagsasabi ring kahit ang way ng pag-present daw nito ng video sa Senado ay gawa at tatak-showbiz.
“Naku, ikaw na ang mayroong mga Direk Darryl Yap and company. Talagang keri nilang gawing showbiz ang pulitika,” hirit pa ng mga netizens.
Mayroon ngang umiikot na tsika na diumano’y si Sen. Imee ang source ng mga usapang ‘pagbabatiin’ umano sina Darryl at Vic Sotto, para raw makumbinse nito ang kapatid na si Sen. Tito Sotto na umanib sa grupo nila sa majority.
Iba pa raw ‘yung isyu kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ha (inaalam pa ang mga details. Hahaha!)?
Nakakaloka!





Comments