top of page
Search
  • BULGAR

Ninong Ry, isa nang opisyal na ama

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 21, 2024


Opisyal nang naging ama ang food vlogger na si Ninong Ry nang i-welcome niya ang kanyang panganay na si Rue nitong Lunes.


“Siya ang nagdala pero ako ang kamukha! Welcome sa mundong ito, Rue! Daddy Ry era starts now,” saad niya sa isang Facebook post kung saan naka-upload ang isang larawan kasama ang kanyang nobya at anak.


Nagpadala naman ng greetings sa comment section ang mga kapwa niya content creators at celebrities tulad nina Luis Manzano, Mimiyuuuh, Wendell Ramos, at Sam YG.


Kilala si Ninong Ry bilang vlogger na nakakuha ng atensyon ng mga Pinoy netizens dahil sa kanyang simple at prankang mga video tungkol sa pagluluto at pagkain.


Sa kasalukuyan, malapit nang umabot sa dalawang milyon ang kanyang mga subscribers sa YouTube.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page