top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ninong, nasilo ang Condition Race SLLP

BULGAR
Jul 8, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 8, 2022


Humarabas sa largahan si Ninong upang masilo ang panalo sa Condition Race Merged na nilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Miyerkules ng gabi.


Nirendahan ni jockey Jomer Estorque, tinutukan muna ni Ninong ang bumanderang si Cam From Behind, subalit pagsapit sa kalagitnaan ng karera ay bakbakan na sa unahan ang dalawa.


Hawak na ni Ninong ang unahan pagsungaw ng rekta pero nakakapit si Cam From Behind at nagtagisan sila ng bilis hanggang sa huling 100 ng laban at saka tinawid ng winning horse ang meta ng may isa't kalahating kabayong agwat sa sumegundong si Tony's Love.


Tersero si Cam From Behind habang pumang-apat si Weather Lang sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Inirehistro ni Ninong ang tiyempong 1:28.4 minuto sa 1,400 meter race.


Samantala, nagpakitang-gilas din si Eazacky nang manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pang-anim na karera.


Kumaripas agad sa unahan si Eazacky paglabas ng aparato, umalagwa ng may dalawang kabayo pero pagsapit ng far turn ay kinapitan na siya ni Krugerrand hanggang sa rektahan ay nagdikdikaan sila sa unahan.


Umabot hanggang sa meta ang mainit na labanan at sa huli ay nanaig si Eazacky na sinakyan ni John Alvin Guce.


Inilista ni Eazacky ang 1:29 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ang P5,000 added prize, segundo si Krugerrand habang tumersero si Big Bertha.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page