top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Night market, bukas na, ingat!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2020
1 min read

@Editorial | November 30, 2020



Binuksan na ang ilang night market upang madagdagan ang kita ng ating mga kababayan sa gitna ng pandemya.


Kasabay nito, tiniyak naman ng mga awtoridad na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health at safety protocols bilang pag-iingat sa COVID-19.


Pinaalalahanan ang mga nagtitinda na siguruhing may sapat na distansya at kahit pa mga puwesto o stalls, may physical distance.


Tuloy din ang pagkuha ng temperatura ng mga kostumer at pagtiyak na laging may suot na facemask at face shield. May inilagay ding handwashing area.


Kung lahat ay sumusunod sa mga health protocols, malaki ang laban natin na makaiwas sa virus.


Sakaling may mga pasaway, tayo na mismo ang sumita, sa maayos na paraan. Minsan kasi may mga taong tila nakakalimot na ang face mask ay pantakip sa bibig at ilong at ang face shield ay sa mukha, hindi sa ulo.


Bukod sa pag-iingat mula sa COVID-19, ipinaaalala rin ang pag-iwas sa sobrang paggastos.


Alalahanin natin, hindi ito ang panahon ng pabonggahan. Hangga’t maaari ay doon lang muna tayo sa mga pangangailangan.


Hindi rin naman masama na bumili ng magpapaligaya sa atin lalo na kung nakatutulong itong gumaan ang ating pakiramdam sa kabila ng mabibigat na pangyayari, basta may budget.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page