top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Nico Waje, naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 21, 2026



Nico Waje, naghain ng counter-affidavit sa isinampang kaso ni Athena Imperial

Photo: EcoWaste Coalition



Nagsumite nitong Biyernes, ng kanyang kontra-salaysay o counter-affidavit ang dating GMA reporter na si Nico Waje bilang tugon sa mga reklamong acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment na isinampa laban sa kanya ng dating kasamahan na si Athena Imperial.


Kasama ni Waje ang kanyang asawa at kanyang abogado na si Atty. Leo Lalusis nang ihain ang kontra-salaysay sa Quezon City Prosecutor’s Office.


Bagama’t hindi nagbigay ng detalye ang kampo ni Waje tungkol sa nilalaman ng kanyang kontra-salaysay, sinabi ni Lalusis na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Imperial laban sa kanyang kliyente.


Dagdag pa ng abogado, handa si Waje na sagutin at harapin ang anumang paratang na ibinabato laban sa kanya.


Sinabi rin ni Lalusis na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng katulad na kasong isinampa ng isa pang babaeng complainant.


Matatandaang naghain si Imperial ng mga reklamong acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment laban kay Waje noong Mayo 13.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page