- BULGAR
NGO ni Leni aprub kay BBM, mga Loyalists at DDS, biglang kalma
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 18, 2022
KAPAG NAGAWA NI BBM MAGING P20 PER KILO NG BIGAS, LALABAS NA PINAHIRAPAN LANG PALA NI P-DUTERTE MGA PILIPINO SA RICE TARIFF LAW – May mga ekonomista ang nagsabi na kayang gawin ni incoming Pres. Bongbong Marcos na P20 ang per kilo ng bigas.
At kapag nagawa ito ni BBM, aba'y lumalabas na pinahirapan lang pala ni P-Duterte ang mga Pilipino sa kanyang Rice Tariffication Law na naging sanhi kaya tumaas ang presyo ng iba't ibang uri ng bigas, boom!
◘◘◘
KALMADO NA MGA MARCOS LOYALISTS AT DDS KASI APRUB SA BBM GOV'T. ANG NGO NI VP LENI – Aprub sa kampo ni BBM ang itinatag ni outgoing Vice Pres. Leni Robredo na Non-Governmental Organization (NGO)-Angat Buhay. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni Marcos, basta't makakatulong sa mga Pilipino ang isang organisasyon ay hindi nila ito hahadlangan.
Dahil sa sinabing 'yan ni Rodriguez ay kalmado na ngayon ang mga Marcos loyalists at mga DDS (Duterte Diehard Supporters), kasi noong una nang sabihin ni VP Leni ito, ay akala ng mga tagasuporta ng BBM-Sara (Duterte) ay New Governmental Organization ito na bagong gobyerno na itatatag, na akala nila ay hiwalay sa gobyerno ni incoming Pres. Marcos, Jr., he-he-he.
◘◘◘
PATULOY NA MAG-INGAT KASI MAY COVID-19 PA RIN SA 'PINAS – Idineklara ng IATF (Inter-Agency Task Force) na Alert Level 1 pa rin ang Metro Manila at iba pang probinsya sa bansa.
Patunay 'yan na narito pa rin ang coronavirus, may virus pa rin, kaya't panawagan sa mamamayan, laging sundin ang mga health protocols para makaiwas sa panganib na dala ng COVID-19, period!
◘◘◘
KAYA LANG NAMAN NASABI NI SEC. DUQUE NA GUSTO NA NIYANG MAGPAHINGA BILANG DOH SEC. KASI HINDI PA SIYA INAALOK NI BBM – Sabi ni outgoing Sec. Francisco Duque ng DOH (Dept. of Health) ay pagod na raw siya at gusto na niyang magpahinga bilang kalihim ng DOH.
Sus, baka kaya lang naman nasabi 'yan ni Duque ay dahil wala pang alok sa kanya si BBM, pero kung sakaling alukin, malamang tanggapin agad na manatiling DOH secretary, boom!