Ngayong may mga na-trauma sa trahedya at kalamidad... Pangontra sa bangungot, paano gagawin?
- BULGAR

- Nov 20, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 20, 2020

Kung madalas kang dumanas ng mga bangungot at hindi ka ngayon makatulog dahil sa inaalala mong baka isang gabi ay danasin mo na naman ito, lalo na’t parang napapanaginipan pa rin ang nagdaang delubyo ng baha, kailangan mong isang bagay ngayon para makontra ito. Maghanda ka muna ng mga bagay na dapat bilhin para magkaroon ka nito. Heto ang limang simple at mainam na mahikong paraan upang matulungan ka na maiwasan na mabangungot at hindi maging madalas na mangyari ito. Gaya ng unang mga tradisyon na ginagawa ng mga katutubo ay ginagawa nila ang mga paraan maging masarap na rin naman ang kanilang pagtulog at hindi na danasin ang masamang bangungot sa gitna ng kanilang pagtulog. Sundin ang mga paraan na kanilang ginagawa.
1. ANG SUN CANDLE. Magsindi raw ng isang sun yellow candle (ang matingkad na dilaw na hindi orange o pula na may halong kulay ) na nasa loob ng isang baso at nakapatong sa kahoy na candleholder bago matulog. Ang dilaw na kandila na ititirik sa isang glass o set plate ang pinakaligtas na gagawin habang natutulog at habang nakasindi ng buong magdamag. Hayaang nakasindi ng buong magdamag. Ang sun yellow na kulay ang magpapasigla ng espiritu at napananatili kang malakas at magaan ang katawan habang natutulog. Tiyakin lang na may takip na may butas ang kandila at malayo sa kurtina.
2. ANG ESSENTIAL OILS. Bago mahiga, magpatak ng soothing essentials oils sa unan o buong kama o kaya ay magpahid nito na may halong almond oil sa ilalim ng talampakan, sa leeg o sa noo bago matulog. Kung nais mo, pakiusapan si mahal na pahiran ka maging siya ay pahiran mo rin sa naturang parte ng katawan bago kayo matulog. Ang nakapagpapakalma at soothing essential oils na nakatutulong upang matulungang maiwasan ang anumang bangungot ay gaya ng lavender, orange, rose, sandalwood at frankincense.
3. ANG DREAMCATCHERS. Ang mga katutubong Kanluranin ay matagal ng gumagamit ng dreamcatchers upang maiwasan ang bangungot na mangyari. Gawa sa balat at sinew at madalas na dinedekorasyonan ng may pakpak, shells, bato at simbolo. Ang dreamcatchers ay dapat na isabit sa ulunan ng kama. Ito ang “huhuli” ng bangungot, pahihintuin ito bago pa man makarating sa iyo.
4.ANG FLOWER ESSENCES. Magpahid ng isang flower essences sa araw at bago mahiga upang maiwasan ang bangungot. Ang rock rose ay ekselente para sa ‘takot,’ gaya ng madalas na lumalabas sa bangungot. Ang aspen ay nakatutulong sa paslit na madalas bangungutin. Ang mugwort ay nakatutulong para ‘di magambala sa pagtulog. Habang ang White Chestnut ay mainam para sa paulit ulit na panaginip. Ang Star of Bethlehem ay isang mainam na flower essence upang mapawi ang takot at pagkagimbal.
5. ANG ISANG BASONG TUBIG. Ang tubig ay elemento ng espiritu at mainam na panlunod sa pananakot ng espiritu. Isang simpleng remedyo para sa bangungot ay simpleng maglagay ng isang basong puno ng tubig sa iyong tabi bago matulog. Ang tubig ang humihigop ng anumang negatibong ispirituwal na lakas sa buong gabi at nakatutulong upang maiwasan ang bangungot para sa maraming tao. Sa umaga, tiyakin na itapon ang tubig sa lababo. Siyempre hindi mo ito dapat inumin dahil baka maibalik sa iyo ang negatibong enerhiya.








Comments