Ngayong engaged na raw kay Jessy… VIVIAN KAY LUIS: 'WAG NANG MAGING BABAERO!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 18, 2020

Dahil officially engaged na nga sina Jessy Mendiola at Luis Manzano at malapit nang magpakasal, may nais ipakiusap ang aktres-Actors Guild president na si Vivian Velez sa anak nina Congw. Vilma Santos at Edu Manzano.
Sana raw ay huwag nang maging babaero si Luis at maging matapat kay Jessy Mendiola na kanyang pamangkin. Pinsan kasi ni VV ang mother ni Jessy kaya concerned siya sa magiging buhay ng aktres kapag kasal na kay Luis.
Maraming babae ang naghahabol kay Luis dahil masayahin at articulate. Financially stable na rin ito dahil may mga negosyong naipundar. Kahit sinong babae, gugustuhin na siya ay mapangasawa. At kahit siguro kasal na si Luis, hahabulin pa rin siya ng mga chicks.
Pero para sa amin, hindi naman babaero si Luis Manzano. Hindi naman niya pinagsabay-sabay ang mga babaeng nakarelasyon! At hindi niya ginusto na sa paghihiwalay mauwi ang relasyon niya noon kina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, atbp..
Hindi niya plano ang magbilang ng nobya. Sa edad niya ngayon na 39, mature na ang pag-iisip ni Luis at malawak na ang kanyang kaalaman sa maraming bagay.
Inuna muna niyang magpundar ng kabuhayan. Hindi niya naging prayoridad ang love life. At nang handa na siya ay dumating ang babaeng magiging katuwang niya sa buhay. At si Jessy Mendiola ang masuwerteng "the one"!





Comments