top of page
Search
BULGAR

News outlet, bumabanat sa gobyerno, ipinasara

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 11, 2024




Ipinasara ng isang hukuman sa Kyrgyzstan ang Kloop.kg, isang sikat na news website na nagpapahayag ng kritisismo sa pamahalaan.


Naganap ito noong Biyernes, matapos ang pag-atake sa iba pang mga media outlets at ang pag-aresto sa kanilang mga mamamahayag.


Kinondena naman ng mga kanluraning pamahalaan ang mga aksyong ito bilang mga pag-atake sa independent media.


Nagkaroon ng problema ang Kloop.kg noong Agosto nang magsampa ang mga piskal ng estado ng kaso upang isara ito, dahil sinasabing hindi rehistrado bilang media organization ang NGO publisher nito na Kloop Media.


Tinukoy din nila na marami sa mga artikulo ng pahayagan ang kritisismo sa pamahalaan, na sinasabing minamaliit nito ang mga otoridad ng mga bansa sa Central Asia.


Gayunpaman, maituturing na may mas malawak na pahayagan ang Kyrgyzstan, dating bahagi ng Soviet Union, kumpara sa ibang bansa sa Central Asia na may mas mahigpit na pamahalaan.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page