top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Never daw siyang iniwan… HAYDEN, AMINADONG NAKABANGON SA KAHIHIYAN SA SEX VIDEO DAHIL KAY DRA. BELO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2021
2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 25, 2021




May kasabihang: "Time heals all wounds," at malamang na ganito rin ang nararamdaman ng mag-asawang Hayden Kho at Dra. Vicki Belo pagkatapos ibaon na sa limot ang naganap na kahihiyang dulot ng iba't ibang sex video scandals ni Hayden noong taong 2009.


Humarap ang mag-asawa sa vlog interview ni Toni Gonzaga at matapang ngunit kaswal nilang sinagot kung ano ang kanilang pinagdaanan sa kasagsagan ng mga iskandalo ng mister mahigit isang dekada na ang nakararaan.


Simulang pag-amin ni Hayden, “There’s a lot of humiliation. There’s a lot of fear. And there's a feeling of desperation na what I'm going to do to fix this."


Kuwento naman ni Dra. Vicki, hindi pa man napapanood ang mga nasabing video scandals ni Hayden sa socmed, naghiwalay na sila. Hanggang sa pinagpiyestahan na nga ang mga sex videos sa social media at ikinawindang ito ng doktora, lalo na sa gumawa ng krimen na si Hayden.


Dahil may pinagsamahan at hindi matiis ni Dra. Belo ang pinagdaraanang depressions ni Hayden pagkatapos maisapubliko ang mga videos, hindi niya ito nagawang iwanan nang ganu'n-ganu'n na lang.


Pahayag ni Vicki, “For three days, he didn't wake up. Who else is going to take care of him? I was the one. His neurologist decided to do an EEG which is a brain wave measurement. It was very low."


Sa humiliations at pangungutya ng mga tao kay Hayden, dito niya napagtanto ang totoong layunin ng Diyos para sa kanya at kung saan siya itinakda ng kanilang pananampalataya.


Alala pa ni Hayden, “Looking back, I realized it's very true that sometimes God allows you to go through shameful things because that's actually grace and mercy. At ‘yun na lang ipapa-experience niya sa 'yo just to wake you up. I discovered Christ and really got to know my Lord. Without intending to really change, I just noticed, some of my friends were already commenting na ‘Iba na 'yung disposition mo. You are at peace,’” pahayag ni Hayden.


Dagdag niya, dahil sa nangyari, natutunan umano niya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.


“I am precious. I am important. I am made from the image of God. I have purpose. If you experience that kind of love that really transforms you. When I met Christ, I learned love is not an idea. Love is actually a person,” makahulugan pa niyang sabi.


Hindi makakalimutan ni Hayden ang hindi pagsuko sa kanya ni Vicki sa panahong wala siyang maaasahang magbabangon sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdaraanan.


“Kung ako lang, on my own, I won't really be able to survive. I thank my family, Vicki, interestingly siya ‘yung na-offend ko, siya pa 'yung ka-help ko doon. Most importantly, it's God. I experienced God's love through my wife Vicki,” ani Hayden.


Sa ngayo'y happy couple in love sina Hayden at Vicki sa piling ng unica hija nilang si Scarlet Snow.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page