top of page
BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated.jpeg

Negosyante, niratrat dahil sa lupa

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 5, 2026



Niratrat dahil sa away sa lupa - Circulated

Photo: Circulated



Nauwi sa kamatayan ng isang negosyante ang umano'y matagal nang alitan sa lupa matapos itong masangkot sa barilan sa pagitan ng grupo ng kanyang kaalitan sa Brgy. Gadongan, Marawi City.


Batay sa ulat ng pulisya nitong Miyerkules, nagkaroon muna ng pagtatalo ang biktima at ang suspek nang magkita ang mga ito sa nasabing barangay.


Sa halip na matapos ang pagtatalo, bumalik umano ang biktima kasama ang kanyang mga kasamahan upang harapin ang suspek, na nauwi sa engkuwentro.


Dalawa sa mga umano'y sangkot sa insidente ang naaresto ng mga awtoridad kasunod ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page