NCR swimmers at arnis humakot ng 5 at 4 golds
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | May 29, 2025
Photo: Matagumpay sa gintong medalya si #129 Andrey P. Aquino, 12-anyos ng Bagumbayan Elementary School ng Teresa Rizal, Calabarzon para sa pinakamataas na lundag sa high jump boys elementary sa Palarong Pambansa 2025 sa Ferdinand Edralin Marcos Stadium habang ipinakita ni Sherwin A. Medel, 17-anyos ng Iligan City Region 10 ang pormang pang-gintong medalya sa Synchronize Double weapons sa secondary boys sa San Nicolas E. Marcos Mini-Cultural sports center, parehong sa Ilocos Norte. (Reymundo Nillama)
Laoag City – Limang gold medals at bagong meet record ang itinala ni Sophia Rose Garra at ni Titus Rafael Sia para sa NCR habang naka-4 na ginto ang grupo ni Shayne Mark Monreal ng Northern Mindanao sa Arnis elementary boys sa ikatlong araw ng 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.
Muling lumangoy ang 12-anyos sa Palaro record sa 200-meter individual medley (2:31.41) para burahin ang rekord ni Michaela Jasmine Mojdeh ng Calabarzon sa 2:33.12 noong 2018 at nakuha ang ika-5 ginto sa girls 100-meter freestyle (1:02.51) na segundo lang na kapos sa rekord ni Alexi Kouzenye Cabayaran ng Western Visayas (1:02.25).
Second meet record ni Garra ito 100-meter Backstroke gold (1:07.61) para wasakin ang sariling rekord (1:08.50) sa Cebu City. Ginto rin sa 200-meter freestyle at 4x50 meter Medley Relay. “Mas confident ako sa langoy ko kase since di na ko first timer sa Palarong Pambansa. Gusto kong makapag-rekord ulit,” ani Garra. “’Yung hard work, dedication and mind conditioning, nag-isip ng positive ways. Last year pa lang sinabi na ibe-break ko yung record ko.”
Muling naka-gold si Sia sa boys 100-meter freestyle (59.33) para sa ika-4 na ginto. Gumawa ng dalawang rekord sa boys 200-meter freestyle at boys 100-meter Backstroke, gayundin ang 4x50 meter medley relay. Malupit na performance naman ang Northern Mindanao sa 4 na ginto medalya ng grupo ni Shayne Mark Monreal para sa elementary Arnis. Nakipagtulungan si Monreal sa Synchronized Liha Anyo Single Weapon kasama sina Jhon Michael Espina ng Iligan City Central School at Ryann John Otom ng Intao.
Apat na ginto ang kay Aireelle Ashley Lape ng Region XIII sa elementary girls. Tatlong ginto kina James Custodio III, Vladimir Motia at John Blaze Sandoval ng Region X sa secondary boys. Tig-dadalawang ginto sina Celia Mer Najaro, Ysai Winsleth Lorejo at Charlyn Diaz ng Region XIII sa Synchronized Double Weapon at Synchronized Likha Anyo Espada y Daga.
Komentarze