NCR mayors, mas gusto ang GCQ
- BULGAR

- Sep 25, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 25, 2020

Mas ninanais ng maraming alkalde sa National Capital Region (NCR) na manatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang rehiyon, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.
"Ang masasabi ko lang, maraming mayors natin sa NCR ang talagang gusto pa rin mag-GCQ," sabi ni Año kasabay ng pagbubukas kanina ng isang mega-complex facility sa Taguig City.
Gayunman, magkakaroon ng konsultasyon sa lahat ng Metro Manila mayors sa Linggo, September 27, upang pag-usapan ang susunod na quarantine status sa NCR sa October.
"Doon namin tatalakayin 'yan, papakinggan natin kung ano 'yung recommendation ng buong Metro Manila Council, kung ano ang kanilang magiging recommendation tapos ikukumpara natin sa data analytics at doon mabubuo natin kung ano ang ire-recommend natin sa pangulo," paliwanag ni Año.
"Siyempre, ang pinaka-number one concern talaga ng ating mga mayors ay kaligtasan ng kanilang constituents," dagdag niya.
Kamakailan, nabanggit ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na ang Metro Manila ay maaaring isailalim sa modified GCQ matapos ang September 30 upang maraming magbukas na establisimyento para umangat ang ekonomiya ng bansa.
Subali't ayon kay Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, ang pagdedesisyon sa magiging quarantine status ng lugar ay hindi lamang nakatuon sa ekonomiya.





Comments