top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

NCR, lubog, pondo kontra baha saan napunta?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2024
  • 2 min read

by Info @Editorial | July 26, 2024



Editorial


Isinailalim na sa state of calamity ang National Capital Region (NCR) matapos malubog sa baha bunga ng ulan na dulot ng Habagat at Bagyong Carina.


Ang Metro Manila Council (MMC) ang gumawa ng desisyon matapos ang pagpupulong. Inaprubahan ng MMC ang mungkahi matapos pumabor ang 12 sa 17 lokal na opisyal. Hindi nakadalo sa pulong ang lima na hindi bumoto.


Sa pagdeklara ng state of calamity, maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan ang kanilang emergency funds para sa relief operations ng mga residente na naapektuhan ng kalamidad.


Maraming lugar sa Metro Manila ang nalubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan. At ang hindi maiwasang tanong ng taumbayan, saan napunta ang pondo kontra baha?

Sa mga ulat, binaha ang mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA, C5, España at Ortigas. Nag-ulat din ng pagbaha sa maraming lugar sa Pasay, Manila, Quezon City, Caloocan, Mandaluyong at Parañaque. Dahil dito, kinailangang isuspinde ang pasok sa trabaho at paaralan.


Matindi rin ang pagbaha sa mga probinsya kung saan pahirapan ang pag-rescue.

Sa nangyari, saan daw napunta ang malalaking pondo ng gobyerno sa mga flood control projects?


Isa ring mambabatas ang nagtanong kung saan nakarating ang pondong inilaan para sa “capital outlay” ng “floodway projects” para sa 2024 na nagkakahalaga ng P244.6 bilyon.

Ang budget umano para sa mga proyektong kontra baha ay mas malaki sa capital outlay ng ibang mahahalagang proyektong imprastruktura. 


Bukod sa budget na inilaan kontra baha, mayroon pa umanong P545 bilyon para sa “climate change mitigation”. Saklaw naman nito ang paghahanda para sa mga sakuna, pagtatayo ng mga “climate-resilient” na imprastruktura at “climate-friendly” na sistema sa transportasyon. Noong nakaraang taon, naglaan na rin umano ng P454 bilyon para sa gayong mga paghahanda.


Marapat lang siguro na ipaliwanag ng kinauukulan kung ano nang nangyari sa pondo at mga proyekto para naman kahit paano ay maibsan ang duda at pangamba ng publiko. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page