top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

NBI, magdamag na nagbantay sa opisina ng PhilHealth sa Pasig City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2020
  • 1 min read

Updated: Aug 23, 2020

ni Lolet Abania | August 22, 2020




Magdamag nang nagbabantay ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa harapan ng punong tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pasig City at ilang pang opisina nito, ayon sa direktiba ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra.


Ito ang naging tugon ng NBI, matapos ang lumabas ang kontrobersiya tungkol sa umano anomalya sa PhilHealth.


Gayundin, nais matiyak ng ahensiya na mapapanatiling intact ang mga importanteng dokumento na gagamitin sa imbestigasyon sa PhilHealth at mga opisyal nito.


Gayunman, hanggang sa labas lamang ng gusali ng PhilHealth ang mga tauhan ng NBI at hindi sila nakapasok sa loob ng opisina nito nakapagbantay.


Samantala, siniguro ng mga kawani ng PhilHealth sa Dagupan, na walang nasira o nabasang importanteng dokumento matapos na magkaroon ng tagas ng tubig sa kisame ng bubong sa opisina nito dahil sa malakas na pag-ulan. Anila pa, wala ring nabasang mahahalagang gamit sa loob ng mga tanggapan ng opisyal nito, na maaaring isama sa pagdinig ng PhilHealth sa Senado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page