top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

NBI, itinuro... Barilan sa loob ng Senado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 14, 2026



Senate of the Philippines

Photo: File



Umalingawngaw ang mga putok ng baril sa Senado sa gitna ng patuloy na lockdown, Miyerkules ng gabi.


Alas-7:48 ng gabi nang marinig ang mga putok ng baril kung saan nasa loob pa rin ng gusali si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nasa ilalim ng protective custody. 


Nadinig ang mga putok ng baril mula sa ikalawang palapag ng gusali ng Senado. 

Hindi pa malinaw kung saan at sino ang nagpaputok ng baril.


Una rito, dumating sa Senado ang mga tauhan ng militar, pulisya, at National Bureau of Investigation (NBI).


Armado rin at naka-full battle gear ang mga sundalo na nagbabantay sa Senado, kasama ang mga tauhan ng Office of the Sergeant-At-Arms ng kapulungan.


Sa Facebook live naman ni Senate President Alan Cayetano, sinabi niya na darating si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla para i-secure ang Senado at ang mga tao at hindi rin nila umano iiwan si Dela Rosa.


“Kung sino ang nakikinig from the government, this is the Senate of the Philippines, we are allegedly under attack," diin ni Cayetano.


Itinuturo ng OSAA na NBI agents umano ang unang nagpaputok sa Senado at nagpaputok lamang pabalik ang OSSA, ayon kay Sen. Jinggoy Estrada. 


Itinanggi ng NBI na sangkot ang kanilang tauhan sa nasabing insidente.

Ayon naman kay Senate Secretary General Mark Mendoza, walang nasaktan sa putukan sa Senado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page