NBA players, bawal maglaro kung walang bakuna
- BULGAR
- Oct 1, 2021
- 1 min read
ni MC - @Sports | October 1, 2021

Hindi umano pupuwersahin ng NBA ang mga player na magpabakuna kontra sa COVID-19, pero hindi umano babayaran ang mga manlalaro na hindi makapaglalaro dahil sa walang bakuna base sa ipinatutupad na lokal na batas.
“Any player who elects not to comply with local vaccination mandates will not be paid for games that he misses,” ayon sa statement ng NBA.
Hindi umano prayoridad ng National Basketball Players Association ang vaccination ng mga player kaya naglatag ang liga ng mahigpit na protocols para sa hindi bakunadong manlalaro.
Nasasaklawan umano ng mga local na batas ang NBA, ibig sabihin ang mga manlalaro sa New York at San Francisco ay hindi makalalaro kung hindi sila bakunado. Halos 90 percent ng mga players ay bakunado, pero ang iba ang ayaw isapubliko ang kanilang status dahil isa umano itong pribadong isyu o hindi pa bakunado.
Sina Brooklyn star Kyrie Irving at Golden State player Andrew Wiggins ang dalawa sa mga manlalarong kumokontra sa pagiging bakunado. Ang dalawang teams ay may batas sa kanilang cities na kailangang bakunado ka para makapaglaro. Kikita si Irving ng $34.9 million ngayong season habang si Wiggins, $31.6 million.
Comments