top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NBA, madaragdagan ng team

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 27, 2020





Malapit na bang matupad ang pangarap ng mga taga- Seattle, Washington na bumalik ang National Basketball Association (NBA) sa kanilang lungsod? Kung susuriin ang mga pahayag ni Commissioner Adam Silver bago magsimula ang bagong torneo, hindi malayo na mangyari ito sa hinaharap at mapapanood muli ang kanilang minamahal na Seattle Supersonics.


Ilang taon na ipinapanukala na dagdagan ang kasalukuyang 30 koponan ng NBA ng isa o dalawa pa. Tuwing may koponan na napapabalitang ibebenta o nagiging alanganin ang isang prangkisa, laging lumulutang ang pangalan ng Seattle na isang lugar na maaaring lipatan nito.


Unang sumali ang Sonics sa NBA noong 1967 at tumagal hanggang 2008 matapos ilipat ng bago nilang may-ari ang buong koponan upang maging Oklahoma City Thunder. Nakiusap ang lungsod na panatilihin sa kanila ang pangalan, kasaysayan at numero hanggang makabalik ang Sonics na nakamit ang kanilang nag-iisang kampeonato sa NBA noong 1979.


Walang duda na malaki ang nalugi ng NBA at ang mga koponan bunga ng pandemya. Ang isang bagong koponan ay maaaring magbayad ng naglalaro sa $1 bilyon at tiyak na makakatulong ito sa pananalapi ng liga.


Maliban sa Seattle, ilan pa sa mga kandidato para lumahok sa NBA ay ang mga lungsod ng San Diego, California, Las Vegas, Nevada at Louisville, Kentucky. Ang San Diego ang dating tahanan ng Clippers bago lumipat ng Los Angeles noong 1984.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page