top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nawala nga ang online sabong, pero may pumalit agad na online sakla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 10, 2023



JUSTICE SA KAMATAYAN NI GOV. DEGAMO ANG HANGAD NI P-BBM, PERO HUSTISYA SA MGA EJK VICTIMS, DEDMA—Ipinangako ni Pres. Bongbong Marcos sa naulilang pamilya ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na pabibilisin niya ang pagbibigay ng hustisya sa pagkamatay ng gobernador.


Good news ‘yan para makulong ang utak sa pagpatay kay Gov. Degamo. Kaya lang, may bad news din dahil ang kapwa niya pulitikong pinaslang ang gusto niyang mabigyan ng hustisya, pero sa libu-libong biktima ng extrajudicial killings (EJK), parang wala siyang pakialam. Parang ayaw niyang mabigyan ng hustisya ang EJK victims dahil tutol siya sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kaso nitong crimes against humanity laban kay ex-P-Duterte, period!


◘◘◘


ONLINE SABONG OUT, ONLINE SAKLA IN!—Dahil sa utos ni P-BBM, nawala ang online sabong, pero ang masaklap, may pumalit agad at ito ay ang raket na online sakla na kinahuhumalingan ngayon ng mga sugarol na netizens sa social media.


Hindi lang online sakla ang lumaganap dahil pati ang saklang-patay ay nagkalat ngayon sa jurisdiction ni PNP-Region 3 Director, Gen. Jose Hidalgo sa Central Luzon.


Halos lahat yata ng barangay sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan at Zambales ay may pa-saklang-patay. Buset!


◘◘◘


SANA, ANG NEXT PNP CHIEF AY MAHIGPIT NA MAGPAIRAL NG ‘NO-TAKE POLICY’—Higit isang buwan na lang sa puwesto si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin dahil sa Abril 24, 2023 ay magreretiro na siya sa police service.


Sana ang next PNP chief na papalit kay Gen. Azurin ay tulad nina dating PNP Chief Gen. Panfilo Lacson at dating Gen. Guillermo Eleazar na mahigpit na nagpairal ng ‘no-take policy’ sa kapulisan. Ibig sabihin ay lagot at sibak sa puwesto ang sinumang regional, provincial, chief of police na tatanggap ng payola sa mga gambling lords. Boom!


◘◘◘


KUNG NAIS NI SEC. ABALOS NA MALINIS ANG PNP, SIBAKIN NIYA ANG MGA SANGKOT SA PROTECTION RACKET SA ILLEGAL GAMBLING—Alam naman ni Sec. Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bukod sa illegal drugs, isa rin sa dahilan ng talamak na korupsyon sa kapulisan ay ang proteksyon sa mga illegal gambling, kaya nakakapagtaka kung bakit ‘yung mga sangkot lang sa droga ang gustong sibakin ng DILG sec.


Kung gusto talaga ni Sec. Abalos na malinis ang PNP, dapat sibakin din niya ang mga high ranking officials ng PNP na sangkot sa protection racket sa mga illegal gambling tulad ng sakla, STL con-jueteng atbp, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page