top of page

Nauusong money garland sa graduation, iba-iba ang epekto sa estudyante, maging sensitibo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2024
  • 1 min read

@Editorial | June 1, 2024



Editorial


Graduation season na! Isa ito sa pinaka-importanteng araw para sa mga estudyante at magulang. 


Sa ganitong panahon ay ipinapakita ng mga magulang at mahal sa buhay ng mga estudyante ang kanilang pagbati sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, flowers, pera o pagkain.


Noon ay flower garlands lang ang ibinibigay sa pagtatapos ng mga estudyante, ngunit ngayon ay nauuso na ang money garlands.


Kaya naman, nagpaalala ang Department of Education-Region 7 sa mga magulang na gumagawa nito na maging sensitibo rin sa damdamin ng iba. 


Ipinakita kasi sa isang moving-up ceremony ng Grade 10 completers sa junior high school at graduation ng senior high school sa Mandaue City Sports Complex, na may mga batang binigyan ng pera ng kanilang mga magulang bilang regalo. 


Ang perang ibinibigay ay ginagawang bouquet para sa mga babae, at garland na isinasabit sa mga lalaki. Napag-alaman pa na ino-order lang ang bouquet at ipinapagawa sa halagang P250 habang P150 naman sa garland.


Gayunman, hindi naman masama na magbigay ng pabuya sa mga anak na nakapagtapos ng pag-aaral dahil pinagsumikapan nila ito, pero maaari rin itong bigyang-kahulugan ng ibang tao.


Batid natin na hindi lahat ay pinagpala sa buhay at nahaharap sa krisis pampinansyal kaya maaari itong kainggitan ng ibang estudyante.


Samantala, maaari namang maparusahan at pagmultahin sa hindi tamang paggamit ng pera lalo na kung ito ay nasira.

Komentáře


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page