top of page

Bisyo at karahasan, ‘wag hayaang maging normal sa kabataan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 17, 2025



Editorial


Kamakailan, isang insidente ng inuman at pambubugbog ang muling kinasangkutan ng ilang estudyante. 


Madalas, ang kasiyahan, nauuwi sa kaguluhan, pananakit, at kahihiyan — hindi lang para sa mga sangkot, kundi maging sa mga institusyong dapat gumagabay sa kanila.Hindi na ito simpleng “kabataan lang ‘yan” na palusot. 


May malinaw na mga tanong na kailangang sagutin: Bakit may access sa alak ang mga menor-de-edad? Nasaan ang mga magulang o guardians habang nagaganap ito? At ano ang ginagawa ng eskwelahan at ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari?


Sa maraming pagkakataon, tila pinapasan ng mga estudyante ang sisi, habang ang mga nakatatanda sa paligid nila ay nananatiling tahimik, o kaya’y umiiwas sa responsibilidad. May kakulangan sa pangangalaga, disiplina, at sa malinaw na pagpapatupad ng batas.


Hindi sapat ang pag-post ng paalala sa social media matapos ang insidente. Hindi rin sapat ang internal investigation na walang malinaw na resulta. Kung may pananagutan, dapat managot. Kung may kahinaan sa sistema, dapat tugunan.


Hindi natin nais ipako sa krus ang mga kabataan. Ang gusto natin ay magkaroon sila ng ligtas na kapaligiran — na hindi nagiging normal ang bisyo, away, at pananakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page