Proteksyon sa TNVS drivers laban sa mga kriminal
- BULGAR

- Jul 16, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | July 16, 2025

Lumalala ang mga krimen na pawang mga TNVS drivers ang biktima. Halos araw-araw, may ulat ng holdap, pananakit, at paminsan, pagpatay.
Ang mga drayber na tapat na naghahanapbuhay ay nagiging biktima ng mga kriminal na nagpapanggap lang na pasahero. Ito ay isang malinaw na senyales na kulang ang proteksyong ibinibigay sa kanila.Hindi sapat ang “emergency button” o ride-tracking feature sa app. Kapag ang driver ay nasa panganib, bawat segundo ay mahalaga. Kailangan ng mas mabilis na tugon mula sa mga pulis.
Kailangan din ng mas mahigpit na background check sa mga pasahero. Kung may ID ang driver, dapat may malinaw ding pagkakakilanlan ang pasahero.Masasabing responsibilidad ng TNVS companies na tiyaking ligtas ang kanilang mga driver.
Hindi puwedeng kita lang ang habol, habang pinapabayaan ang mga driver sa lansangan. Kailangan ng aktibong koordinasyon sa mga awtoridad, regular na safety training, at malinaw na protocol sa oras ng panganib.Hindi rin dapat manahimik ang pamahalaan.
Ang mga TNVS driver ay bahagi ng pampublikong transportasyon. Dapat silang protektahan tulad ng ibang manggagawa. Kung hindi sila ligtas, apektado ang milyun-milyong pasahero araw-araw.Panahon na para kumilos. Ang kaligtasan ng TNVS drivers ay hindi opsyon — ito ay obligasyon.





Comments