top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Naunahan daw ng ate ng BF… CRISTINE, WAITING NANG ALUKIN NG KASAL NI MARCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2024
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 16, 2024



Showbiz News
Photo: Marco Gumabao at Cristine Reyes

Nag-celebrate ng kanyang 30th birthday last August 14 si Marco Gumabao kasama ang mga kapamilya’t ilang close friends. 


Naging kapuna-puna nga ang absence ni Cristine Reyes na ngayo’y nag-deactivate pa ng kanyang socmed (social media) account.


Marami ang nagtataka at nagtatanong na baka may pinagdaraanan ang dalawa o ‘yung ibang pa-bibo ay nagsasabing baka naghiwalay na sila. 


Sinubukan naming kontakin ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa pero wala rin daw silang alam sa mga nangyayari. Ang last daw nilang balita sa dalawa ay nu'ng nakaraang July pa na masaya at mukhang smooth-sailing naman ang relasyon ng mga ito.


Pero simula raw nang mag-anunsiyo ng kanyang engagement ang ate ni Marco na si Michelle Gumabao ay parang nagkaroon na umano ng something ang dalawa.


Mukha raw kasing totoo ang tsismis before na “waiting na si Cristine” sa anumang proposal galing kay Marco, pero tila wala man lang pahiwatig ang binata. 


Hmmm... may ganu’n? Parang ang hirap naman ikonek. Hahahaha! Pero ano nga kaya ang rason sa ganitong mga pangyayari?


Bukas ang BULGAR sa pahayag nina Cristine Reyes at Marco Gumabao.



STILL on birthday item, dedma naman si Baron Geisler sa mga bashers na nagsasabing paepal lang ito at papansin dahil sa pagbati niya ng “Happy birthday” sa kanyang dalaga kay Nadia Montenegro. 


Nagdiwang ng ika-18 kaarawan ang dalaga kamakailan at binati nga ito ni Baron via socmed (social media).


Dahil dito, pinutakti na naman ng mga bashing ang magaling na aktor, na kesyo paandar lang at walang “sincerity” at bakit sa socmed nito kailangang gawin 'yun.


Hindi na kami magre-react pa dahil nauna na ang magagaling na netizens. Hahahaha! But for us, ang importante ay nagawa ni Baron Geisler ang gusto niya mereseng via socmed lang.


Baka nga naman hindi pa sila komportable sa mga direktang komunikasyon o baka naman nagawa o ginawa na nang hindi na inaanunsiyo.



Naghahabol bago mag-edad 40…

ANGELINE, KAPAPANGANAK PA LANG, HINIRITAN NA NG BABY NO. 3 ANG MISTER 


Nonrev at Angeline Quinto

NAKAKATUWA naman na paninindigan ni Angeline Quinto ang noo’y pangako nitong hahabol sa pagbuo ng mga babies dahil ayaw daw nitong umabot nang 40 years old nang hindi pa umaabot sa tatlo ang anak.


Isinilang na nga ang ikalawa nilang anak ni Nonrev Daquina last August 14. Matatandaang kamakailan lang nagpakasal ang dalawa, na noong pandemic pa nagsimulang magsama at biniyayaan nga ng anak.


Ang kabaklaan ni Angeline Quinto ay muling umiral nang ipinanganak ang second baby dahil mabilis daw nitong tinukso ang asawa na ready na uli siya for their third baby.


Hahahaha!


Congratulations sa 'yo, Angge!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page