top of page
WINNER - “GINAWA KO LANG ANG PARTE KO BILANG PILIPINO. MGA G_GO PALA KAYO D’YAN, EH!” - DA

Natitirang nawawala sa tumaob na bangka... Buntis, natagpuang patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | August 31, 2026



Manuepe  -San Marcelino Public Information Office

Photo: San Marcelino Public Information Office



Nahanap na nitong Linggo, Agosto 30, ang labi ng isang buntis na Aeta na apat na araw nang nawawala matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales.


Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na narekober ang katawan ng 26-anyos na si Arryn Paanan Liwanag alas-11:20 ng umaga, dahilan upang umakyat sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa insidente.


Si Liwanag ang huling natitirang nawawala sa tatlong pasahero matapos tumaob ang bangkang lulan ang 13 Aeta malapit sa Sunken Church sa Brgy. Buhawen noong Agosto 27.


Apat naman ang nakaligtas sa insidente.


Bago ang trahedya ay nagtungo ang mga biktima sa Brgy. Buhawen upang dumalo sa isang vaccination program at pulong para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pauwi na sila sa Sitio Lumibao nang makaranas ng malakas na hangin at maalong tubig habang lulan sa bangka, na naging sanhi ng pagtaob nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page