top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

National Maritime Council ni PBBM, wa’ silbi, kasi mahina ang puwersa ng militar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 2, 2024


WALANG SILBI ANG BINUONG NATIONAL MARITIME COUNCIL NI PBBM, KASI MAHINA ANG PUWERSANG MILITAR NG ‘PINAS -- Bumuo si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ng National Maritime Council para mapalakas daw ang maritime security ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) dahil naging agresibo na raw ang China sa pangha-harass sa Philippine Coast Guard (PCG) sa dagat na sakop ng Pilipinas.


Sa totoo lang, walang silbi ang National Maritime Council na iyan para mapalakas ang maritime security sa WPS dahil mahina ang puwersang militar ng ‘Pinas, boom!


◘◘◘


KUNG NAIS NI PBBM MAPALAKAS ANG MARITIME SECURITY NG ‘PINAS, PORK BARREL FUNDS NG MGA SEN. AT CONG. I-REALIGN SA BUDGET NG DND -- Kung seryoso si PBBM na mapalakas ang maritime security ng bansa ay isa lang ang dapat niyang gawin.


Patanggalan na niya ng pork barrel funds ang mga senador at kongresista, at ang pork barrel funds na ito ng mga sen. at cong. ay i-realign o idagdag sa budget ng Dept. of National Defense (DND) para pambili ng mga jetfighter, barkong pandigma, tangke, submarino at iba pang armas.


Kapag ginawa ‘yan ni PBBM, sigurado lalakas ang maritime security sa WPS kasi malakas na ang puwersang militar ng ‘Pinas, period!


◘◘◘


DAPAT GUMAWA NG BATAS ANG KONGRESO NA BAWAL NA SA MGA SURVEY FIRMS ANG MAGLABAS NG SURVEY TUNGKOL SA PULITIKA -- Nagalit ang mga kongresista sa inilabas na survey ng Pulse Asia na 88% daw ng Pinoy ang kontra sa Charter change (Cha-cha), at sa galit ng mga cong. ay tinawag nilang “False Asia” ang Pulse Asia.


Ngayong nagagalit na ang mga cong. sa Pulse Asia, sana ay gumawa ng panukalang batas ang Kongreso na nagbabawal na sa mga survey firm na maglabas ng resulta ng survey na may kaugnayan sa pulitika, kasi sa totoo lang, pang-uunggoy lang sa mamamayan ang mga inilalabas nilang survey patungkol sa mga isyung pulitika sa bansa, boom!

◘◘◘


BAGONG PNP CHIEF GEN. MARBIL, MAY ‘BALLS’ KAYANG BANGGAIN ANG MGA GAMBLING LORDS? -- May bagong PNP chief na ang pambansang pulisya sa katauhan ni Director General Rommel Marbil. Siya ang pumalit sa nagretirong si Gen. Benjamin Acorda.


Nang italaga noon ni PBBM si Gen. Acorda bilang PNP chief ay nagdeklara ito ng “war on illegal gambling,” pero hindi natigil ang mga raket ng mga gambling lords sa buong bansa.


Ngayong si Gen. Marbil na ang bagong PNP chief, tingnan nga natin kung may “balls” siyang banggain ang mga gambling lords sa bansa, abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page