Nasino, binigyan ng 3 days para sa lamay ng anak
- BULGAR

- Oct 13, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 13, 2020

Pinagkalooban na ng Manila Regional Trial Court ang political detainee na si Reina Mae Nasino ng “3-day continuous furlough” upang mabisita ang lamay at libing ng kanyang 3-month-old na anak na si Baby River.
Si Manila Regional Trial Court Branch 47 Judge Paulino Gallegos ang nagkaloob kay Nasino ng “3-day continuous furlough” upang mabisita ang lamay ng beybi at makapunta sa libing nito sa Biyernes.
Si Nasino ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives charges at noong July 1 ay ipinanganak si Baby River na pumanaw noong Biyernes sa Philippine General Hospital dahil sa pneumonia, dalawang buwan matapos itong ihiwalay sa kanyang ina.





Comments