top of page

Nasa palanggana ang pagkain at basket na walang laman

  • BULGAR
  • Aug 31, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 31, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolanda ng Romblon.



Dear Maestra,


Isang mapagpalang araw sa inyong lahat d’yan. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na um-attend ako ng birthday party ng aking bestfriend. Marami siyang handa, pero ang ipinagtataka ko, sa halip na sa plato o bandehado mag-serve ng pagkain, sa palanggana nakalagay ang mga pagkain. Tapos binigyan ako ng best friend ko ng basket na wala namang laman. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Yolanda


Sa iyo, Yolanda,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sa palangga inilagay ang pagkaing sine-serve sa halip na sa plato, ito ay nagpapahiwatig na mai-in love ka sa isang bagong kakilala, subalit ito ay pansamantala lamang, kumbaga, hindi magtatagal.


‘Yung basket naman na walang laman, ang ibig sabihin nito ay mabibigo ka sa mga binabalak mong gawin kung saan hindi ka papalarin. Maraming pagsubok ang iyong kakaharapin. Dadaan ka sa matitinding pagsubok bago mo makamit ang iyong ninanais.


Mas maganda sana kung may laman ang basket, dahil nagpapahiwatig ito na malalagpasan mo ang anumang pagsubok ang dumating sa buhay mo. Susuwertehin ka, yayaman at pagpapalain habambuhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page