Nasa disyerto, mag-isang nagsasayaw nang nakayapak at walang tugtog
- BULGAR
- Nov 5, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 5, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gertrudes ng Ormoc.
Dear Maestra,
Isa ako sa mga tagahanga ng column ninyo tungkol sa panaginip. Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nasa disyerto ako at nagsasayaw mag-isa nang walang sapin sa paa.
Nakayapak lang talaga ako at panay ang sayaw kahit wala namang tugtog. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Gertrudes
Sa iyo, Gertrudes,
Ang panaginip mo na nasa disyerto ka ay babala na ikaw ay maglalakbay sa isang malayong lugar at daranas ka ng mga sagabal sa iyong paglalakbay. Maraming nakaka-stress na pangyayari ang sasagupain mo.
‘Yun namang nagsasayaw ka nang nakayapak o walang sapin sa paa ay nagpapahiwatig na napakataas ng iyong pangarap na gusto mong makamit sa kasalukuyan. Hindi masamang mangarap, pero siguraduhin mo na huwag sobrang taas upang hindi ka masyadong malungkot kapag hindi mo ito nakamit agad.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments