top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Nararapat na benepisyo para sa mga guro, 'wag ipagdamot

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2023
1 min read

@Editorial | May 24, 2023


Inaasahang tuluyan nang maaaprubahan ang ‘chalk allowance’ na layuning taasan ang taunang supply allowance ng mga titser sa lahat ng pampublikong paaralan.


Kamakalawa, sa botong 22 ng mga senador na present sa sesyon, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1964 o ang ‘Kabalikat ng Pagtuturo Act’.


Layon ng panukala na madagdagan ang allowance ng public school teachers.


Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, talagang may mga guro na naglalabas na ng kanilang sariling pera upang makabili ng mga materyales at iba pang supplies na ginagamit sa pagtuturo.


Handa silang gumastos para maitawid nang mas epektibo ang edukasyon sa mga estudyante.


Kaya malaking bagay kung tuluyang maisasabatas ang SBN 1964. Kung saan, ang teaching allowance ay unti-unting tataas mula sa kasalukuyang P5,000 ay magiging P7,500 para sa school year 2023-2024 at P10,000 kada guro para sa school year 2024-2025 hanggang sa mga susunod pa at ang karagdagang benepisyo ay hindi kakaltasan ng buwis.


Umaasa tayo na hindi sa isang batas matatapos ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga guro. Batid naman natin ang kanilang mga hinaing mula sa makatarungang suweldo hanggang sa mga benepisyo, partikular sa kanilang kalusugan.


Mas bigyang-pansin pa sana ang kanilang mga pangangailangan, huwag ipagdamot ang mga benepisyo na ang higit namang makikinabang ay ang mga kabataan at ang bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page