Napoles, bilyones ang na-scam sa pera ng bayan pero absuwelto, buwisit!
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 25, 2023
MATUTUWA TALAGA SI JANET NAPOLES KASI BILYUN-BILYON ANG NA-SCAM NIYA TAPOS ABSUWELTO SIYA SA MGA KASONG GRAFT—Ikinatuwa ni pork barrel queen Janet Napoles ang pagkaka-absuwelto sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong graft.
Aba'y siyempre, matutuwa siya kasi mantakin n'yo, bilyun-bilyong pera ng bayan ang kanyang na-scam, tapos inabsuwelto siya ng Sandiganbayan sa kasong graft. buset!
◘◘◘
HAPPY TOGETHER ANG MGA PORK BARREL SCAMMERS ‘PAG NAKALAYA SI NAPOLES—Inihihirit ni Napoles sa Sandiganbayan na i-absuwelto na rin siya sa kasong plunder at malversation of public funds para siya ay makalaya na. ‘Yan ay dahil sa mga sangkot sa pork barrel scam, siya na lang ang nakakulong.
Kapag kinatigan ng Sandiganbayan ang hirit ni Napoles, tiyak na makakalaya ito at kapag nakalaya na siya, happy together ulit sila ng mga sangkot sa pork barrel scam, masayang magsasama-sama ulit sila sa pang-i-scam sa kaban ng bayan, pwe!
◘◘◘
PAGNANASA NG MGA SEN. AT CONG. SA P275-B MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Plano ng mga kaalyadong senador at kongresista ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) na maisabatas ang P275 billion Maharlika Investment Fund (MIF) bago sumapit ang State of the Nation Address (SONA) ni P-BBM sa Hulyo 2023.
Talagang takam na takam at puro pagnanasa sa kaban ng bayan ang plano ng mga trapong kaalyado ni P-BBM, boom!
◘◘◘
PARA ‘DI MAGHABOL SA TAMBOL MAYOR, DAPAT TUTULAN NA NG MGA LBP, DBP DEPOSITORS AT SSS, GSIS MEMBERS ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Nakapaloob sa Maharlika Investment Fund (MIF) na ang P275-B na ipopondo rito ay kukunin sa pera ng mga depositors sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at ambag ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Para hindi ‘maghabol sa tambol mayor,’ kapag ang P275-B MIF ay nalugi o naglaho na parang bula dahil kinurakot, dapat ngayon pa lang ay magkaisa na ang mga depositorsng LBP at DBP, at SSS at GSIS members na tutulan ang Maharlika Investment Fund, period!





Comments