Napoles at ampatuan, patagalan sa selda, napapala ng mga adik sa pera at kapangyarihan
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 26, 2023
BUTATA KAY P-BBM ANG MGA CONG. NA HUMIHIRIT PAPASUKIN SA ‘PINAS ANG ICC -- Butata ang inabot kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ng mga kongresistang nagsusulong ng resolusyon na payagang pumasok at mag-imbestiga sa Pilipinas ang mga International Criminal Court (ICC) prosecutors kaugnay sa drug war sa panahon ng Duterte administration.
Sabi kasi ni P-BBM ay hindi magandang tingnan na ang dayuhang korte ang mag-uutos sa Philippine gov’t. kung sino ang mga dapat kasuhan at hulihin dahil nga may mga pulis, prosecutors at korte naman ang bansa, na kung susuriin ang sinabing ito ng Presidente ay tablado ang hirit ng mga cong. na manghimasok ang ICC sa justice system ng Pilipinas, period!
◘◘◘
MAGULONG STATEMENT NI P-BBM PATUNGKOL SA ICC -- Medyo magulo ang sinabi ni P-BBM patungkol sa isyu ng ICC.
Sabi kasi niya ayaw daw niyang panghimasukan ng dayuhang korte ang Pilipinas, pero pinag-aaralan daw niya kung magri-rejoin ang Pilipinas sa ICC, na noong Duterte admin ay kumalas sa ICC.
Kapag kasi nag-rejoin ang Pilipinas sa ICC, lalabas na balewala ang sinabi ni P-BBM na ayaw niyang manghimasok ang dayuhang korte sa bansa, dahil kapag naging member uli ng ICC ang ‘Pinas ay magkakaroon na muli ng kapangyarihan ang dayuhang korte na ito na manghimasok sa justice system ng Philippines, boom!
◘◘◘
NAPOLES AT AMPATUAN, MAGPAPATAGALAN NG KULONG SA BILANGGUAN -- Noong Oct. 28, 2023 ay hinatulan ng Sandiganbayan si Janet Napoles ng pagkabilanggo ng hanggang 150 years kaugnay sa pork barrel scam, at kamakalawa ay hinatulan din ng Sandiganbayan si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. ng Maguindanao ng pagkabilanggo ng hanggang 210 years kaugnay sa kasong graft.
‘Yan ang napala ng mga “adik” sa pera at kapangyarihan, magpapatagalan na sila sa kulungan, period!
◘◘◘
HINDI LANG MGA KUMPANYANG NANDAYA SA BUWIS ANG DAPAT KASUHAN, PATI MGA KASABWAT SA BIR KASUHAN DIN! -- Nagsampa ng kasong tax evasion si Bureau of Internal Revenue (BIR) Comm. Romeo Lumagui laban sa 69 kumpanya na nandaya raw sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Aba teka, bakit mga kumpanya lang ang kakasuhan? Dapat sampahan din ng kaso ang mga taga-BIR na kasabwat ng mga ‘yan kasi hindi naman magagawa ng mga kumpanyang ‘yan na mandaya sa pagbabayad ng buwis kung walang kasabwat sa loob ng BIR, boom!





Comments