top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Napikon sa netizen… ALESSANDRA, GUSTONG BIGYAN NG DATUNG ANG TUMAWAG SA KANYA NA LAOS NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

Julie Bonifacio - @Winner | November 22, 2020




Ipinost ni Alessandra de Rossi ang tweet sa kanya ng netizen pagkatapos ng sunud-sunod na comment ng aktres sa naging pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte laban kay Vice-President Leni Robredo.


Tweet ng netizen, "Bakit kasi pinagpapapansin n'yo pa 'yang mga tweets ni Alexandra, hayaan n'yo na lang siya. 'Wag n'yo pansinin, titigil 'yan. Diyos ko naman, parang 'di n'yo kilala ugali niya. Hayaan n'yo magsalita at sumawsaw. Wala din naman magagawa 'yan."


Hindi pinalampas ni Alessandra ang mensaheng ito ng netizen at idinaan na lang sa biro, "True. 'Yun ngang Alexandra tawag sa akin, wala din naman akong nagawa kahit kailan. Eh, pangalan ko 'yun."


May tumawag din kay Alessandra na "laos" bukod sa mahilig itong sumawsaw.


"Sensiya na, ha? Basta mga laos na, hindi na ako gaanong updated…”


Say naman ni Alessandra, "Laos shaming ka! I-troll shame kaya kita! Hindi mo pa ba reach ang quota at pati laos every minute mo tinu-tweet! Tulungan na nga kita. Ano Gcash/bank account mo?"


Pero ang matindi pa nito, may nagbanta sa buhay ng aktres, "Ikaw nga, malapit nang mamatay. Hahahahah kaya magdasal-dasal ka na."


Binalaan naman ni Alessandra ang netizen na nagsabi nito sa kanya, "Shhh! 'Wag ganu'n. Bawiin mo 'yun (folded hands)"


Sadyang palaban din talaga sa pagsagot si Alessandra sa mga netizens at trolls sa social media. Pero ang kainaman naman kay Alex, hinahaluan niya ng sense of humor ang ibang mga sagot niya sa bashers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page