top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Napigtas ang saranggola, babala ng kamalasan

BULGAR
Jan 10, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 10, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Adrian ng Cubao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpalipad ako ng saranggola sa bakanteng lote na malapit sa bahay namin. Tumaas ito nang tumaas, pero biglang napigtas ang tali, kaya nawala sa ere ang saranggola hanggang hindi ko na nakita kung saan ito napunta.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Adrian


Sa iyo, Adrian,


Ang ibig sabihin ng nagpalipad ka ng saranggola at tumaas ito nang tumaas ay mapo-promote ka sa trabaho at bibigyang-parangal ng kumpanyang pinapasukan mo. Ito rin ay nagpapahiwatig na suwerte ka sa negosyong may kinalaman sa pagsasaka o agrikultura, gayundin, maganda ang ipinahihiwatig nito tungkol sa love life mo.


Samantala, ang napigtas ang tali at hindi mo malaman kung saan napunta ang saranggola ay nagpapahiwatig ng kasawiang palad o kamalasan. Ito ay nagpapaalala na ganyan talaga ang buhay sa mundo, may panahon ng suwerte at kasawian.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page