Napansin ng mga netizens sa picture…

COCO AT JULIA, BUKING DAW NA MAY ANAK NA DAHIL SA FEEDING BOTTLE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 26, 2020

Viral sa social media ang larawan ni Coco Martin kung saan may feeding bottle sa likod niya habang siya ay nakatayo sa pantry o kitchen area ng kanyang bahay.
Matagal na rin namang nababalitang may ‘anak’ na ang actor sa rumored long-time girlfriend niyang si Julia Montes. Pero, walang kumpirmasyon mula kina Julia at Coco kung totoo ang balita. Deadma lang sila sa isyu.
Pero, dahil sa nakitang feeding bottle sa likod ni Coco, espekulasyon ng mga netizens, bote raw 'yun ng kanilang baby ni Julia.
Caption pa ng netizen sa kanyang post, “Ay, sorry matang-lawin ko, lumabas. 'Yan tuloy, nakita ko (ang) feeding bottle ni baby. Waaaaa.”
Wala pang paglilinaw dito sina Coco at Julia kahit pa pinag-uusapan na ito ng mga netizens.





Comments