top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nanlalaking misis, ka-compatible kaya makakabalikan

BULGAR
Oct 25, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 25, 2022

Dear Maestro,


Malaki ang problema ko ngayon dahil hiwalay na ako sa aking asawa. Nagtrabaho ako sa Taiwan at habang nandu’n ako, ang aking misis ay nanlalaki naman dito sa Pilipinas.


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung magkakabalikan pa ba kami? Sa ngayon ay nagtatago at nagsasama na sila nu’ng kalaguyo niya.


October 3, 1990 ang birthday ko, habang February 18, 1993 naman ang birthday ng misis ko.


Umaasa,

Mr. Lonely ng Sabang, Nagcarlan, Laguna


Dear Mr. Lonely,


Kung legal kayong mag-asawa, ibig sabihin ay kasal kayo at may pinanghahawakan kang mga dokumento bilang patunay na asawa mo siya at pagkatapos ay may matibay ka ring ebidensya na nanlalaki o nakikisama siya sa ibang lalaki, ay puwede mo siyang idemanda at ipakulong.


Ngayon, kung hindi ka kikibo at hihintayin mo na kusang bumalik ang nanlalaki mong misis, kung mag-aaway sila ng kinakasama niya ngayon, maaaring bumalik pa siya sa iyo. Pero kung nagkataong tulad mo ay ka-compatible rin ng iyong misis ang kalaguyo niya, ang mangyayari ay para kang hilong-talilong na naghihintay sa wala at hindi man lang nabigyan ng katarungan ang ginawa nilang panloloko sa iyo.


Samantala, ayon sa pag-aanalisang Astro-Numerology, tugma ang zodiac sign mong Libra sa zodiac sign na Aquarius ng iyong misis. Sapagkat ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin.


Gayundin, nagkataong hindi lang kayo sa Astrology magkatugma, bagkus, sa aspetong Numerology ay halos ganundin, kung saan ang birth date mong 3 at birth date na 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) ng iyong misis ay nagsasabing, dahil kapwa kayo pasok sa tinatawag na numerong “series of 3-6-9”, tunay ngang compatible kayo sa isa’t isa.


Kaya kung sakaling hindi ka-compatible ng misis mo ang sinamahan niyang lalaki, tulad ng nasabi na, malaki ang posiblidad na siya ay bumalik upang muling mabuo ang inyong pamilya, na tinatayang mangyayari sa taon ding ito ng 2022. Sa huling linggo ng Nobyembre o unang linggo ng Disyembre at sa edad mong 32 pataas, sa ikalawang pagkakataon, muling mabubuo at mas magiging maligaya ang pagsasama ng inyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page