Naniniwala ba kayo sa bulong ng hangin?... Kutob, puwedeng magdulot ng malaking pagbabago sa buhay
- BULGAR

- Feb 8, 2021
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 8, 2021

Kuwento ito ng isang may edad nang lalaki na kung paano nga ba niya babalikan ang kanyang nakaraang buhay. Matapos ang kanilang 40th wedding anniversary ng misis niya, bigla niyang naalala ang kanyang mga naging intuition at iyon ang nagbigay ng mahalagang papel sa kanyang buhay kung bakit masaya siya ngayon.
“Nakilala ko si misis noong 17-anyos ako, 15-anyos siya, bagong lipat lang kami noon sa Sta. Mesa sa isang apartment, habang magkatapat lang ang pintuan ng apartment namin. Isang araw noong 1966, nakaangkas ako sa owner jeep ng tatay ko, nagkatinginan kami, pero dahil nahihiya ako sa kanya, binawi ko agad ang tingin ko. Ang ganda niya. Mga ilang araw ulit ay nakita ko siya sa tapat ng apartment nila, nagdidilig siya ng halaman. Hanggang tingin lang ako, ganu’n lang, pero tuwang-tuwa na ako dahil nakita ko siya.”
Pero nagulat na lang ako nang sumunod na buwan, bigla ko na lang nakita ang sarili ko na nilalapitan siya sa tapat ng bahay nila dahil may narinig akong maliit na boses na bumulong sa akin. "Lapitan mo na at tingnan mo kung puwede mo siyang mayayang kumain ng french fries at spaghett!” Iyon ang boses na alam kong intuition ko para mabigyan ako ng tapang na kumilos. Kaya naman sinabi ko sa aking sarili, “Sige gagawin ko, kaya nilapitan ko siya at nagpakilala na ako!”
Pero sumagot si Carol na, "Gusto ko sana, pero kailangan ko munang magpaalam sa magulang ko at kailangan mo silang makilala.” Doon na nagsimula. Apat na taon kaming mag-on noong kolehiyo at hayun nagpakasal noong 1995.
Nakagugulat na mapakinggan ang sariling kutob aniya sa mga sandaling iyon. Ito ang nagpabago sa direksiyon ng kanyang buhay, forever! Nakatutuwang may napagtutulungan kaming trabaho ni Carol, nagtutulong bilang team, may layunin, masaya, natutunan ang mundo pareho, nagdedesisyon ng sabay pareho, at natutulungan kasabay ang ibang tao.
Ang liit lang ng tsansa noon na alam naming hindi kami magiging close. Lahat ginagawa namin ngayong dalawa na magkasama, kaya naman may gantimpala ito sa amin. Nakakasigurado kamki sa aming sarili na lumalago kami sa pagsuporta sa bawat isa lalo na sa aming mga ginagawa.
Naalala rin niya na bago sila nagpunta sa isang kasalan ng kaibigan. Inimbitahan sila na magbahagi ng ilang payo mula naman sa kanilang karanasan bilang mag-asawa.
At dahil nakinig na naman daw siya sa kanyang intuition, napakagandang karanasan ang kanyang naibahagi. Natutunan niya na ang magandang samahan ay kasama na ang kaligayahan bawat araw sa bawat isa kapag may kasamang tawanan. Aniya, mahalagang maibahagi ang iyong damdamin at kahinaan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay at pagsasama.
Isang bagay na mahalaga—ang maging magkaibigan muna ang mag-asawa bago magsama dahil kapag magkaibigan ay may malasakitan, nagpapatawad, may kompromiso at masaya. Ginunita niya sa nakaraang 30 na taon buhat nang makita niya si Carol, malaking bagay ang intuition na pinaiiral niya sa kanyang buhay.
Inisip niya at inimadyin kung paanong ang buhay ay hindi magiging ganoon sa ngayon kung hindi siya nakinig sa mga pabulong na mensahe. Alam niyang wala namang kapantay ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Ang ating kutob o intuition ay nagpakita ng mahalagang papel sa ating buhay. Ang pag-unawa rito ang siyang pinakamainam na desisyon sa ating buhay.
Gaya na lang ng nangyari kay Tom Lumbrazo, isang artist at photographer sa Northern California. Matapos ang 40-taon na career sa city planning, muntik na siyang mamatay, pero dahil sa mga medical at therapeutic treatments ay nabago ang kanyang outlook sa buhay. Ang kanyang artwork ay bunga na rin ng mga nagdaang intuition niya habang siya ay agaw-buhay kung kaya nagkaroon siya ng ikalawang buhay. Ang mga ito ay naka-exhibit sa California at naging bisita rin sa isang TV at radio shows maging sa kanyang espiritwal na karanasan. Ang kanyang aklat na A Journey to the Clouds, Messages from the Sky ay inilimbag noong Hulyo 2009 at ang Faces of the Universe ay noong 2010.








Comments