Nang mawala sa EB!... JIMMY, UMAMIN KUNG BAKIT NANGALAKAL NG BOTE AT BAKAL SA CANADA
- BULGAR

- 25 minutes ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 21, 2025

Photo: YT Toni Talks
Trending man ang mga vlogs niya noon tungkol sa pangangalakal at pagtitinda ng street food sa Canada, iginiit ni Jimmy Santos sa Toni Talks (TT) na hindi ito nangyari dahil naghihirap na siya, kundi bahagi lamang ng kanyang content at mga pinagdaanan noong kabataan niya.
Tanong ni Toni, “So after ninyong mag-Eat… Bulaga! (EB!), nu’ng nag-retire kayo, sa Pampanga na kayo tumuloy, tapos parang nag-start kayo ng bagong buhay du’n pero nag-Canada rin kayo. Kailan kayo nag-Canada?”
Sagot ni Jimmy, “Nu’ng ikasal ‘yung aking anak na babae.”
Tanong ni Toni, “Tapos, nag-vlog kayo du’n sa Canada na nagbobote?”
Sagot ni Jimmy, “Nangangalakal.”
Hirit na tanong ni Toni, “Bakit ninyo po na-vlog ‘yun?”
Sagot ni Jimmy, “Kasi du’n sa Canada, ‘yung pamilya du’n ay bumibili ng mga soft drinks, de-lata at de-bote. Puwede mong ibenta ‘yun. Eh, naiipon nu’ng mga anak ko ‘yung mga basyo. Sabi nga nu’ng anak ko, ‘Pa, mag-vlog ka.’ ‘Ano iba-vlog ko? May yelo?’ ‘Hindi, meron kaming basyo d’yan. Dalhin mo du’n sa bentahan ng mga bote-lata.’ Ganu’n, isang beses ko lang nasubukan.”
Tanong ni Toni, “Ah, so at least, nalinaw natin ‘yan kasi nag-trending kayo nu’ng ibina-vlog n’yo ‘yun. Inisip nila, ‘Oh, naghihirap na si Jimmy Santos, nangangalakal ng bote sa Canada.’”
Kuwento pa ni Jimmy, “Masayang gawin kasi nagbote-bakal din ako nu’ng bata. Nagulat nga ako nag-5 million (views) mahigit ‘yun.”
Tanong ni Toni, “Nag-trending ulit kayo nu’ng nagtinda kayo ng balut?”
Sagot ni Jimmy, “Hindi, nu’ng bata ako.”
Tanong ni Toni, “Ah, so ‘yung nakita nila online na nag-viral na nagtinda ng kwek-kwek, ‘yung mga street food?”
Sagot ni Jimmy, “‘Yun naman, bahagi ng ano ko ‘yun, ng vlog.”
Tanong ni Toni, “Kaya n’yo ginawa ‘yun, ‘yun ang ginagawa ninyo nu’ng bata pa kayo. Hindi dahil ito ang trabaho na ninyo ngayon?”
Sagot ni Jimmy, “Lahat ng ginagawa kong content, puro na-experience ko nu’ng kabataan ko.”
Tanong ni Toni, “Pero hindi ‘yun ang trabaho n’yo ngayon?”
Sagot ni Jimmy, “Hindi.”
Ohhh, madlang people, malinaw, ah?
Hindi ginawa ni Jimmy Santos ang mangalakal at magtinda ng kwek-kwek dahil naghihirap na siya.
Huwag kasing judgmental, masama ‘yan. Pak, ganern!
Samantala, isa rin sa mga napag-usapan nina Toni at Jimmy ay ang tungkol sa The King of Philippine Cinema na si Fernando Poe, Jr. (FPJ).
Tanong ni Toni Gonzaga, “Kumusta ang makatrabaho si FPJ?”
Sagot ni Jimmy, “First time ‘yun, saka ibang klase talaga ‘yun. Ang FPJ, pantay-pantay ang trato, walang maliit, walang malaki. Siguro naman, nakatrabaho mo rin si FPJ, na-experience mo rin ‘yun?”
Well, congratulations, Jimmy Santos dahil nakatrabaho mo ang nag-iisang ‘The King of Philippine Movies’ na si FPJ.
NAG-TRENDING ang post ng aktres na si Kaye Abad dahil nauwi sa police station ang kanilang bakasyon sa Las Vegas, USA matapos manakaw ang kanyang bag.
Kuwento ni Kaye sa post niya, “We went to Vegas para magbakasyon and isuroy (ipasyal) ang kids. Never did I think that one of the places I’d end up visiting was the police station.
“My bag was stolen inside the car, with all my IDs and 2 passports. Never leave your bags inside the car. We just had lunch for 1 hour and this happened.
“Anyways, lesson learned. I still believe that everything happens for a reason. Kung ano man ang reason Niya… Iniisip ko na lang everything can be replaced.
“Importante, my family is safe. God is good.”
Korek ka d’yan, Kaye. God is good all the time, pero ingat-ingat din!








Comments