top of page

Nang dahil sa PBB… SHUVEE, KAYA NANG MAGMAHAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30
  • 3 min read

ni Lucille Galon @Special Article | June 30, 2025



Photo: Shuvee Etrata - IG


“Kaya ko po pala magmahal,” ito ang na-realize ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata o kilala ring ‘Island Ate ng Cebu’ tungkol sa kanyang sarili at ito ay dahil sa kanyang naging journey sa loob ng Bahay ni Kuya. 


Sa recent guesting nila ng ka-duo na si Klarisse De Guzman sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), naging emosyonal si Shuvee habang ikinukuwento kung paano niya unti-unting nakilala ang sarili, lalo na pagdating sa usaping puso. Dito ay proud niyang inamin na kaya pala niyang magmahal.


Ayon pa sa kanya, dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay, mataas umano ang ‘walls’ o pader na itinayo niya para protektahan ang sarili.


Sey niya, “With all the trauma that I’ve experienced, parang naramdaman ko po na mataas ‘yung walls ko.”


Pero dahil sa PBB, unti-unting bumukas ang puso ni Shuvee. Natutunan niyang makisama, makiramdam, at higit sa lahat, tumanggap ng pagmamahal.


“Doon ko natutunan na hindi ako nag-iisa, na kahit galing ka sa pain, may space pa rin para sa growth at love,” emosyonal niyang pahayag.


Samantala, sa kanyang Instagram (IG) post, inamin din ng Sparkle artist na hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin niya ang lahat ng nangyari sa loob ng PBB house.


“It’s been 2 weeks since I got evicted from the PBB house, and I’m still trying to process everything that’s happened. Grabe pala ‘yung pagmamahal n’yo sa akin (crying emoji),” caption ni Shuvee.


Hindi man naiuwi ang titulo, ramdam pa rin ni Shuvee na panalo siya sa puso ng kanyang mga supporters.


Mensahe niya, “I may not have taken home the title, but in my heart, I truly feel like a winner. Thank you, @pangkatshuveeofficial, sa pagmamahal n’yo sa akin. What did I do to deserve you guys?”


Wala man siyang chance para pumasok sa Big 4, sure na sure naman na matutupad na ang mga pangarap ni Shuvee Etrata sa labas ng Bahay ni Kuya. Patok na patok siya sa mga netizens dahil sa angking ganda at talino niya. 

Kaya congratulations pa rin, Shuvee!


Dustin at Bianca, natalo...

BRENT AT MIKA, PASOK NA SA PBB BIG NIGHT


USAPANG Pinoy Big Brother (PBB) pa rin, pasok na nga sa ‘Big 4’ ng PBB Celebrity Collab Edition ang tambalang Brent Manalo at Mika Salamanca, na mas kilala bilang BreKa, matapos nilang talunin ang DusBi na sina Dustin Yu at Bianca de Vera sa intense at nakakakabang Big Jump Challenge.


Sa final and deciding challenge na ‘yun, kailangang maglipat ng mga plastic cups ang dalawang duo sa loob ng maze habang sinusunod ang time limit ni Kuya. Ang twist, kailangan nilang i-stack ang mga naipasang cups sa dulo para makabuo ng pinakamataas na tower. Kung sino ang may mas matayog na tower sa dulo ng time limit, siya ang panalo. Todo-effort at strategy ang labanan. 


Sa simula, sinubukan nina DusBi na maglipat ng multiple cups in one go, pero hindi naging effective kaya bumalik sila sa isa-isang pag-transfer. 


Si Bianca, mas mabilis nahanap ang teknik kumpara kay Mika at tuluy-tuloy lang siya sa maze. 


Si Dustin naman, nag-isip ng paraan para makapag-transfer ng more than one cup nang mabilis. Hindi rin nagpahuli ang BreKa at eventually nahanap din nila ang kanilang winning formula.


Pero hindi pa roon natapos ang challenge. Midway, may dagdag-hamon si Kuya, kailangan nang magsuot ng blindfold ang isang housemate habang guided lang sila ng instructions ng partner nila. 


Dito na mas nasubok ang patience at focus ng bawat pair habang ramdam na ang pagod sa katawan.


Pagpatak ng huling minuto, nag-concentrate na ang dalawang teams sa pag-stack ng kanilang cups. Inabangan ng lahat kung sino ang aangat, at sa huli, inanunsiyo na nga ng mga hosts na sina Brent at Mika ang nanalo, meaning sila na ang kukumpleto sa Big 4.


Para sa mga fans at manonood, naka-schedule na rin ang Big Night sa July 5, 2025 sa New Frontier Theater. Bukas na rin ang BBS (Vote to Save) at BBE (Vote to Evict) system na puwedeng gawin sa Maya app.


Ang duo na makakakuha ng highest average score mula sa public votes ang magiging ‘Big Winner’ at mag-uuwi ng P1 million each. Ang 2nd Big Placers ay may P500,000 each, 3rd Big Placers P300,000 each, at 4th Big Placers naman ay P200,000 each.

Sino ang bet n’yo, mga Ka-BULGAR?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page