Nanay ni Andrea Brillantes, pumatol sa basher
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 6, 2023

Hindi pinabayaan ni Belle Brillantes, ang ina ni Andrea Brillantes, ang isang komento ng isang netizen at direkta itong sinagot nang walang pag-aatubili.
Itinanong ng basher kay Belle kung paano niya pinalaki ang kanyang anak na si Andrea.
"Papano mo kaya pinalaki si Andrea no?" tanong ng basher.
“Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?” sagot naman ni Belle.
Kumalat na sa social media ang screenshot ng sagutan ni Belle at ng basher at umani ito ng samu’t saring reaksyon.





Comments