top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nanalo sa lotto, sobrang yaman, bumili ng gold bars at bracelet na may diamante

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 27, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerwin ng Pateros.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip na nananalo ako sa lotto.


Naging mayamang-mayaman ako at lahat ay puwede kong bilhin, gaanuman ito kamahal. Tapos bumili ako ng gold bars at bracelet na napapalamutian ng batong hiyas na diamante.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jerwin


Sa iyo, Jerwin,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na madalas kang tumama sa lotto ay mag-ingat ka sa balatkayong kaibigan na gusto kang ibagsak sa kasalukuyan mong kalagayan dahil sa sobrang inggit. Gayunman, hindi lang negosyo mo ang guguluhin niya kundi pati ang iyong pamilya.


Ang sobrang yaman mo ay nagpapahiwatig na kailanman ay hindi ka magiging mayaman, kumbaga, pangkaraniwan lang ang magiging buhay mo.


Samantala, ang bumili ka ng gold bars ay nangangahulugang mag-ingat ka sa mga negosyong inaalok sa iyo. Hindi ka dapat makipagsapalaran, lalo na kung wala ka pang karanasan sa paghawak ng negosyo.


Ang batong hiyas naman na diamond ay nagpapahiwatig na maaari kang masangkot sa gulo kung hindi ka mag-iingat sa kapaligiran mo.


Ang bracelet ay nangangahulugang may posibilidad na ma-in love ka sa bago mong kakilala.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page