top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nanalo sa kaso, magkakatotoo

  • BULGAR
  • Nov 2, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosy ng Malabon City.


Dear Maestra,


May kaso ako sa hukuman dahil idinemanda ako ng katulong ko ng physical injury. Hindi sinasadyang nasaktan ko siya dahil minaltrato niya ang anak kong special child. Sa sobrang galit ko, nasampal ko siya, pero hindi naman grabe. Isa pa, matagal ko na siyang pinapaalis dahil hindi ko na gusto ang mga ginagawa niya sa bahay, pero ayaw naman niyang umalis.


Napanaginipan ko na acquitted ako sa kaso. Nanalo ako at napawalang-sala ako ng hukuman.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, totoo ba ang gustong ipahiwatig nito?


Naghihintay,

Rosy


Sa iyo, Rosy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na napawalang-sala ka o acquitted ka sa kasong isinampa ng katulong mo laban sa iyo ay lalabas ang katotohanan at ikaw ang papaboran ng hukuman. Hindi magtatagal, ibababa na ng hukuman ang kanilang pasya at ‘yun ay pabor sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page