Nanalo sa karera, kabaligtaran ang kahulugan
- BULGAR
- Nov 11, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 11, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lauro ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan.
Gusto kong malaman ang kahulugan ng aking panaginip na sumali ako sa paligsahan ng unahan sa pagtakbo at nanalo ako. Napansin ko na ang dumi-dumi ng suot kong t-shirt, namantsahan ito at pinilit kong alisin ang mantsa, tapos nagising na ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lauro
Sa iyo, Lauro,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nanalo ka sa paligsahan ng pagtakbo dahil ito ay nagpapahiwatig ng kabiguan sa buhay. Mas mabuti kung sa panaginip mo ay natalo ka dahil maganda ang ipinahihiwatig nito, ibig sabihin, madaragdagan ang kinikita mo. Kung may negosyo ka, tiyak na uunlad ka at tutubo ng malaki.
Gayunman, ang sabi mo ay namantsahan ang suot mong t-shirt at pilit mo itong inalis.
Ito naman ay nagpapahiwatig na may sagabal kang kakaharapin bago makamit ang iyong minimithi. Dahil d’yan, sobrang kalungkutan ang iyong mararanasan.
Sadyang ganyan ang buhay, kaya maging matatag, matiyaga at pasensiyoso ka dahil makakamit mo rin ang tagumpay balang-araw. ‘Ika nga, walang permanente sa mundo at hindi palaging malungkot. Bawat isa ay may ligayang nakalaan, basta’t patuloy na nakikisayaw sa agos ng buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments