Search
  • BULGAR

Namumulot ng barya, senyales na minamaliit ang sarili

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | June 23, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Olive na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Namumulot ako ng mga barya, tapos napuno na ‘yung kamay ko sa dami. Hindi pa rin ako humihinto sa kapupulot kahit pagod na ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Olive

Sa iyo Olive,

Kapag nakapanaginip ng mga barya, ang nanaginip ay minamaliit ang kanyang sarili. Hindi ito magandang makaugalian dahil ang tao ay hindi maliit o hindi dapat minamaliit ninuman kahit ng mismong sarili niya.

Ganito ang sabi, “Nilikha ni God ang tao, ayon sa kanyang wangis,” kumbaga, in the image of God, man was created. Kaya lahat ng tao sa mundo noon at hanggang ngayon ay nagkakaisa sa sinasabing “Man is the greatest creation of God.”

Kaya hindi mo dapat minamaliit ang iyong sarili dahil ikaw ay hindi kawangis ng barya, ang iyong kalarawan ay dakilang pagyaman. From now on, ilagay mo sa isipan mo na ikaw ay hindi barya, bagkus, ikaw ay perang papel na lilibuhin.

Gawin mo ito at magugulat ka dahil ang libu-libong pera ay mahahawakan mo. Ang tawag sa ganitong batas ng tagumpay ay “think big”. Ang pahabol na kahulugan ay malalaki at magagandang kapalaran ang magsisidapo sa iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.