top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Namudmod sa mga drayber, dinumog… WILLIE, TAKBUHAN NG MGA WALANG PERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 17, 2020




Dahil balitang-balita ang ginagawang tulong at pagbibigay ng ayuda ng Wowowin host na si Willie Revillame sa mga jeepney drivers na nawalan ng pagkakakitaan, siya agad ang naiisip lapitan ng mga taong nangangailangan ng tulong.


Nagbigay din ng financial assistance si Kuya Willie sa mga pinalayas sa kanilang tinitirhan dahil walang pambayad ng upa. Marami rin ang araw-araw na nag-aabang at umaasa na matatawagan sila ni Willie at mabibigyan ng P10 thousand to P20 thousand. Malaking tulong na 'yun sa panahon ngayon na may Covid pandemic pa.


Nangako rin si Revillame na mamimigay ng tablets na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang online class.


'Pag nanonood ng Tutok to Win, marami ang nagdarasal na sila ay suwertehin, lalo na 'yung mga hindi pa nakakakuha ng SAP mula sa DSWD.


May mga senior citizens din na gustong manawagan kay Willie upang sila ay mabigyan ng tulong at ayuda. Tulad ng isang matandang cigarette vendor na taga-Cavite, nakikitira lang daw ito sa isang kaibigan sa Pasig at ang kanyang hanapbuhay ay ang magtinda ng sigarilyo kendi atbp. at laging laman ng kalye. Nag-viral nga ang matandang takatak nang i-post sa social media ang kanyang kalagayan.


For sure, kung napanood ito ni Revillame ay tutulungan din niya ang nasabing senior citizen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page