top of page

Namitas ng prutas, senyales na madaragdagan ang ari-arian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 2, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ramon ng Naic, Cavite.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagtatrabaho ako bilang hardinero ng aming kapitbahay, habang namimitas ako ng prutas ay nakita akong kambing na paparating. Tinaboy ko ito upang ‘di kainin ang mga halaman.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ramon

Sa iyo, Ramon,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagtatrabaho ka bilang hardinero ay magiging abala ka sa mga bagay na magbibigay ng kasiyahan sa maraming tao, magiging kapaki-pakinabang ka sa lipunang iyong ginagalawan. Ang namitas ka ng prutas ay nagpapahiwatig ng mabuting kalusugan at kayamanan, madadagdagan ang iyong mga ari-arian.


Samantala, ang may nakita kang kambing at itinaboy mo ito ay nangangahulugang may lihim kang kaaway na magtatangkang pabagsakin ka, pero huwag kang mag-alala, dahil hindi ito magtatagumpay. Magagapi mo ito kung gagamitin mo ang iyong isipan at hindi mo ipapakita na takot ka sa kanya.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page